Ganon din ang nangyari sa munting lupain sa gilid ng Tsina na nakakabit sa dulo ng Russia at hinihiwalay ng dagat sa Hapon, ang Korea. Katunayan, mas malala pa ang nangyari sa Korea. Ang Pilipinas ay hindi nahati, samantalang ang Korea ay meron ngayong North at South, bawat isa ibang bansa. Demokrasyang pamamahala ang sa South, Komunista naman ang sa North.
View Larger Map
Ang Korea ay kilala bilang bansang pinakamahabang pinamunuan ng isang dynasty, Joseon (Hulyo 1392 - Agosto 1910), na ang pamamaraan ng pamamalakad ay hinango sa turo ng Tsinong pilosopong si Confucius.
Pinag-agawan ng Hapon at Tsina noong 16th and 17th century ang Korea. Para matigil o di kaya’y mapigilan ang tuluyang pananakop sa kanilang bansa, minabuti ng Joseon dynasty na mag-isolate kaya nabansagan silang the “Hermit Kingdom”.
Noong 1902, iminungkahi ng Hapon sa mga Ruso na umaangkin din sa Korea na hatiin na lang nila ang Korea sa 38th parallel. Pero hindi sila nagkaroon ng kasulatan at kinalaunan ay nasakop ng Hapon ang buong Korea kaya ang mga Hapon ang namahala sa buong bansa. Sinundan ito ng Russo-Japanese War (10 Pebrero 1904 – 5 Setyembre 1905) sa pagnanais sana ng Russia na mabawi ang Korea mula Japan, pero nabigo ang Russia.
Agosto 1910 ang huling buwan at taon ng Joseon dynasty nang in-annex ang Korea ayon sa Japan-Korea Annexation Treaty.
Natapos lang ang pananakop ng mga Hapon pagkatapos ng pangalawang pandaigdigang digmaan noong Agosto 1945. Pero hindi dito nagtatapos ang kasaysayan ng Korea. Ang totoo, nagsisimula pa lang dahil, pagkatapos ng Pangalawang pandigmaang pandaigdig, saka naman nagsimula ang Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at ng Soviet Union at mga kaalyado ng mga ito, pangyayaring tuluyan ng nagpabago sa mukha ng Korea.
Ang World War II ay nagdala ng labis-labis na pagkawasak ng mga bansa maliban lamang sa Soviet Union at Estados Unidos. Ang dalawang ito ay magkakampi noon WWII laban sa Axis power na pinangungunahan ng mga bansang Alemania, Italia, at Hapon.
Dahil sa pagkawasak ng mga bansa, ang Estados Unidos ang Union Sovietica na lang ang natitirang malalakas at progresibong bansa. Pero dahil magkaiba ang kanilang ideolohiya na nagbunga ng ibang pamamalakad, nagkaroon sila ng matinding takot na baka sakupin ng isa ang isa. Ang resulta ay ang pagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng mga armas, kakabit dito ang pagpunta sa space, at higit sa lahat sa pagpalaganap ng kanilang mga paniniwala: Komyunismo ang Soviet Union, Demokrasya naman sa US.
Napagkasunduan ng dalawang bansa na hatiin ang Korea pagkatapos itong isuko ng mga Hapon noong 1945. Inokupa ng US ang South at ng Soviet Union ang North. Kahit na ganito ang anyo ng Korea, tinuturing parin ng buong mundo na iisa parin ang bansa kaya noong 1948, nagkaroon ng election sa pamamahala ng United Nations at doon nagsimulang nagsilabasan ang hidwaan.
Hindi sumali sa electin ang North Korea at iyon ang simula sa tuluyang paghiwalay ng iisang bansa at pagtatag ng bawat isa ng sarili nilang gobyerno. Democratic People's Republic of Korea, Soviet style socialist regime ang North, Republic of Korea, Western-style republic naman ang South.
Noong Hunyo 1950, sinakop ng North Korea ang South na naging sanhi ng Korean war na tumagal ng tatlong taon (1950-1953).
Sa ngayon, may tinatawag na DMZ ang Korea, o Demilitarized Zone, na humahati sa North at South, may 248 kilometro ang haba at 4 na kilometro ang lapad at kilala ngayon bilang pinaka-armadong border sa buong mundo.
Nagwakas ang Cold War sa pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.
Anong mangyayari kung maging isa ang buong Korea?
Kung ang North at South Korea ay magsanib at bumuo ng iisang Korea, ito ang mangyayari:
- Ang Korea ang magiging ikalawang bansang may pinakamalaking bilang ng mga sundalo sumunod lamang sa Tsina.
- Ang Korea din ang maging pangatlong bansa sa mundo na may pinakamaraming tanke at submarino;
- Pang-apat na may pinakamalaking hukbong panghimpapawid, at
- Pang-anim na bansang may pinakamaraming destroyer na barko.
Ilan sa mga hakbang na ginawa ng bawat panig tungo sa pagkaisa:
- June 15th (2000) North-South Joint Declaration kung saan nangako ang North at South na pag-iibayuhin pa nila ang relasyon ng bawat panig tungo sa pag-iisa ng mga bansa;
- Noong Octobre 4, 2007, ang dating presidente ng South Korea na si Roh Moo-Hyun and at ang North Korean leader Kim Jong-Il ay naglagda ng 8 puntong kasunduang pangkapayapaan sa isyo ng permanenting kapayapaan, high-level talks, economic cooperation, pagbabalik ng tren, highway at byaheng panghimpapawid, at ang joint Olympic cheering squad.
- Sunshine Policy na ipinatupad ng dating South Korean president na si Kim Dae Jong kung saan idiniin ng nasabing dating pangulo ang mapayapang kooperasyon ng South Korea sa North at ang paghahanap ng mapagkasunduang bagay tungo sa malaong pag-iisa ng buong bansa.
Hindi naman nagustohon ng North Korea ang posisyon ni Myung-bak, at bilang ganti, tinawag nila itong traidor at "anti-North confrontation advocator". Tapos,
- Pinatalsik ng North Korea ang mga opisyal ng South mula sa inter-Korean industrial complex (mga 70 kilometro ang layo sa Seoul at ang nag-iisang major iconomic connection ng dalawang bansa),
- Pinagbawal ang pagpasok ng cross-boarder train, nilunsad ang naval missiles sa dagat, at nagdeploy ng mga MIGs (fighter planes) at dagdag pwersa sa mga sundalo malapit sa 38th parallel, ang border ng North at South.
No comments:
Post a Comment