Tuesday, February 3, 2009

Karanasang nag-uugnay sa Pilipinas at Korea, at maikling kasaysayan kung bakit nagkaroon ng North at South Korea

Sa loob ng 300 taon, sinakop ng España ang Pilipinas. Sinundan ito ng mga Hapon, at pagkatapos ng mga Kano. Ginawa ang pananakop ng mga dayuhan hindi lamang dahil sa likas na yaman na taglay ng Pilipinas kundi dahil na rin sa stratehikal nitong lugar bilang ganhaan ng Southeast Asia.

Ganon din ang nangyari sa munting lupain sa gilid ng Tsina na nakakabit sa dulo ng Russia at hinihiwalay ng dagat sa Hapon, ang Korea. Katunayan, mas malala pa ang nangyari sa Korea. Ang Pilipinas ay hindi nahati, samantalang ang Korea ay meron ngayong North at South, bawat isa ibang bansa. Demokrasyang pamamahala ang sa South, Komunista naman ang sa North.


View Larger Map

Ang Korea ay kilala bilang bansang pinakamahabang pinamunuan ng isang dynasty, Joseon (Hulyo 1392 - Agosto 1910), na ang pamamaraan ng pamamalakad ay hinango sa turo ng Tsinong pilosopong si Confucius.

Pinag-agawan ng Hapon at Tsina noong 16th and 17th century ang Korea. Para matigil o di kaya’y mapigilan ang tuluyang pananakop sa kanilang bansa, minabuti ng Joseon dynasty na mag-isolate kaya nabansagan silang the “Hermit Kingdom”.

Noong 1902, iminungkahi ng Hapon sa mga Ruso na umaangkin din sa Korea na hatiin na lang nila ang Korea sa 38th parallel. Pero hindi sila nagkaroon ng kasulatan at kinalaunan ay nasakop ng Hapon ang buong Korea kaya ang mga Hapon ang namahala sa buong bansa. Sinundan ito ng Russo-Japanese War (10 Pebrero 1904 – 5 Setyembre 1905) sa pagnanais sana ng Russia na mabawi ang Korea mula Japan, pero nabigo ang Russia.

Agosto 1910 ang huling buwan at taon ng Joseon dynasty nang in-annex ang Korea ayon sa Japan-Korea Annexation Treaty.

Natapos lang ang pananakop ng mga Hapon pagkatapos ng pangalawang pandaigdigang digmaan noong Agosto 1945. Pero hindi dito nagtatapos ang kasaysayan ng Korea. Ang totoo, nagsisimula pa lang dahil, pagkatapos ng Pangalawang pandigmaang pandaigdig, saka naman nagsimula ang Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at ng Soviet Union at mga kaalyado ng mga ito, pangyayaring tuluyan ng nagpabago sa mukha ng Korea.

Ang World War II ay nagdala ng labis-labis na pagkawasak ng mga bansa maliban lamang sa Soviet Union at Estados Unidos. Ang dalawang ito ay magkakampi noon WWII laban sa Axis power na pinangungunahan ng mga bansang Alemania, Italia, at Hapon.

Dahil sa pagkawasak ng mga bansa, ang Estados Unidos ang Union Sovietica na lang ang natitirang malalakas at progresibong bansa. Pero dahil magkaiba ang kanilang ideolohiya na nagbunga ng ibang pamamalakad, nagkaroon sila ng matinding takot na baka sakupin ng isa ang isa. Ang resulta ay ang pagkaroon ng paligsahan sa paggawa ng mga armas, kakabit dito ang pagpunta sa space, at higit sa lahat sa pagpalaganap ng kanilang mga paniniwala: Komyunismo ang Soviet Union, Demokrasya naman sa US.

Napagkasunduan ng dalawang bansa na hatiin ang Korea pagkatapos itong isuko ng mga Hapon noong 1945. Inokupa ng US ang South at ng Soviet Union ang North. Kahit na ganito ang anyo ng Korea, tinuturing parin ng buong mundo na iisa parin ang bansa kaya noong 1948, nagkaroon ng election sa pamamahala ng United Nations at doon nagsimulang nagsilabasan ang hidwaan.

Hindi sumali sa electin ang North Korea at iyon ang simula sa tuluyang paghiwalay ng iisang bansa at pagtatag ng bawat isa ng sarili nilang gobyerno. Democratic People's Republic of Korea, Soviet style socialist regime ang North, Republic of Korea, Western-style republic naman ang South.

Noong Hunyo 1950, sinakop ng North Korea ang South na naging sanhi ng Korean war na tumagal ng tatlong taon (1950-1953).

Sa ngayon, may tinatawag na DMZ ang Korea, o Demilitarized Zone, na humahati sa North at South, may 248 kilometro ang haba at 4 na kilometro ang lapad at kilala ngayon bilang pinaka-armadong border sa buong mundo.

Nagwakas ang Cold War sa pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.

Anong mangyayari kung maging isa ang buong Korea?
Kung ang North at South Korea ay magsanib at bumuo ng iisang Korea, ito ang mangyayari:
  1. Ang Korea ang magiging ikalawang bansang may pinakamalaking bilang ng mga sundalo sumunod lamang sa Tsina.
  2. Ang Korea din ang maging pangatlong bansa sa mundo na may pinakamaraming tanke at submarino;
  3. Pang-apat na may pinakamalaking hukbong panghimpapawid, at
  4. Pang-anim na bansang may pinakamaraming destroyer na barko.
Tanka sa pag-iisa
Ilan sa mga hakbang na ginawa ng bawat panig tungo sa pagkaisa:
  1. June 15th (2000) North-South Joint Declaration kung saan nangako ang North at South na pag-iibayuhin pa nila ang relasyon ng bawat panig tungo sa pag-iisa ng mga bansa;
  2. Noong Octobre 4, 2007, ang dating presidente ng South Korea na si Roh Moo-Hyun and at ang North Korean leader Kim Jong-Il ay naglagda ng 8 puntong kasunduang pangkapayapaan sa isyo ng permanenting kapayapaan, high-level talks, economic cooperation, pagbabalik ng tren, highway at byaheng panghimpapawid, at ang joint Olympic cheering squad.
  3. Sunshine Policy na ipinatupad ng dating South Korean president na si Kim Dae Jong kung saan idiniin ng nasabing dating pangulo ang mapayapang kooperasyon ng South Korea sa North at ang paghahanap ng mapagkasunduang bagay tungo sa malaong pag-iisa ng buong bansa.
Subalit, nang napalitan si Kim Dae Jong ng bagong halal na pangulo noong 2008 na si Lee Myung-bak, naging matigas ito sa North at sinabing walang pag-usapan ang North at South hanggat hindi itigil ng North ang kanilang nuclear programs.

Hindi naman nagustohon ng North Korea ang posisyon ni Myung-bak, at bilang ganti, tinawag nila itong traidor at "anti-North confrontation advocator". Tapos,
  1. Pinatalsik ng North Korea ang mga opisyal ng South mula sa inter-Korean industrial complex (mga 70 kilometro ang layo sa Seoul at ang nag-iisang major iconomic connection ng dalawang bansa),
  2. Pinagbawal ang pagpasok ng cross-boarder train, nilunsad ang naval missiles sa dagat, at nagdeploy ng mga MIGs (fighter planes) at dagdag pwersa sa mga sundalo malapit sa 38th parallel, ang border ng North at South.
Ang kaganapang ito ay nagdadala ng kaba sa buong mundo, lalong-lalo na sa mga Koreans dahil malakas ang kutob nila na mapapasabak na naman sila sa giyera laban sa kapwa nila Koreano.



Friday, January 9, 2009

Ang pagtatag sa Israel at ang digmaan sa Gitnang-Silangan

Kaya nangyari noong 29 ng Nobyembre 1947, sa bisa ng UN resolution, hinati ang teritoryo ng Palestine at binalak na itayo ang Palestinian Arab State sa kalahati, at ang natirang kalahati ay ibigay sa mga Jews. Ang resulta, pinaalis ang halos 800,000 na Palestino sa lupain na kung tawagin ngayon ay Israel. Karamihan sa kanila ay napunta bilang mga refugees sa West Bank at Gaza Strip na siya namang binubomba ng Israel ngayon.
Isa sa pinakanapakapangilabot na nangyari noong pangalawang pandaigdigang digmaan ay ang muntik ng pagkaubos ng angkan ng mga Jews sa pamamagitan ng sistematikong paglason sa kanila sa gas chambers sa pamumuno ni Adolf Hitler, lider ng Alemania, na naniniwala na ang mga Jews ang ugat ng maraming problema sa mundo: paniniwalang marahil ay nagsimula sa mga pahayag ng tanyag na Aleman na theologian at manunulat na si Martin Luther. Ang pangyayaring ito ay kilala sa tawag na Holocaust, na nabigyang-buhay sa pelikula, tulad ng Sciendler's List ng director na si Steven Spielberg na isa ring Jew. Kabilang dito ang milyon-milyong mga taong namatay, bilyon-bilyong ari-arian na nawasak, at, higit sa lahat, ang pag-antala sa pagsulong at pag-unlad ng kaalaman at pamumuhay ng tao.

Kaya naman nagpagsiya ang mga malalaki at maimpluwinsiyang bansa, sa pangunguna ng America, Englatera, Tsina, Pranses, at Union Sovietica na bumuo ng isang pandaigdigang organisasyon. Isinilang ang United Nations noong 24 ng Oktobre 1945 na may pangunahing layunin na pumagitna sa ano mang gusot, ng alin mang bansa, upang hindi na lumaki at maging sanhi ng isa na namang pandaigdigang digmaan.

Ang UN ay hindi unang pandaigdigang organisation na itinayo upang mapigilan ang pagsiklab ng pandaigdigang digmaan. Matatandaan na bago ang UN, may roong League of Nations na sinimulang itinatag noong unang digmaang pandaigdig. Nang hindi nito napigilan ang pagsiklab ng pangalawang digmaang pandaigdig nawalan ito ng saysay.

Isa sa mga unang napagpasiyahan ng UN ay ang pagbigay sa mga Jews ng lupain kung saan sila maaaring mamuhay ng matahimik. Kaya nangyari noong 29 ng Nobyembre 1947, sa bisa ng UN resolution, hinati ang teritoryo ng Palestine at binalak na itayo ang Palestinian Arab State sa kalahati, at ang natirang kalahati ay ibigay sa mga Jews. Ang resulta, pinaalis ang halos 800,000 na Palestino sa lupain na kung tawagin ngayon ay Israel. Karamihan sa kanila ay napunta bilang mga refugees sa West Bank at Gaza Strip na siya namang binubomba ng Israel ngayon.

Mariing kinundina ito ng mga Arab Nations na nakapaligid sa Israel, at may roong nagsasabi na ang hakbang na ito ang nagbigay buhay sa mga kilusang terorismo na hangad ubusin ang mga Kano at mga kasamahan nito, na nagpasimuno sa UN. Paano kasi, ang Gitnang Silangan ay kuta ng mga Muslim. Malaking insulto sa kanila ang pagkuha sa teritoryo ng mga Palestino, na kapwa nila Muslim, at doon itinatag ang bansa (Israel) ng mga taong (Jews) para sa kanila ay mga mababang uri. Apang, ayon sa mga nakakaalam ng kasaysayan, ang kinalalagyan ng Israel ay lupa ng mga Jews; kaya ang lumalabas, binigay lang ng UN sa mga Jews ang lupaing kanila.

Dahil makapangyarihan ang UN, walang nagawa ang mga Arab Nations pati na ang mga Palestino. Ang mga extrimists sa kanila ay nagsagawa ng terrorist attacks laban sa mga Jews. Sinasaktan o di kaya pinapatay nila ang mga sibilyan para matakot ang mga Jews at lisanin ng mga ito ang Israel upang tuluyan ng mabura ito sa mapa.

Noong 1948, o isang taon pagkatapos itinatag ang Israel sa bisa ng UN resolution, sinakop ng Jordan ang silangang bahagi ng Jerusalem (East Jerusalem) kung saan matatagpuan ang mga itinuturing ng Judaism, Christianity, at Islam bilang mga banal na lugar tulad ng Temple Mount, Western or Wailing Wall, Al-Aqsa Mosque, at ang Church of the Holy Sepulchre.

Noong 1967, sa loob ng anim na araw, sinakop ng Israel ang Golan Heights (mula Syria), Gaza Strip at Sinai Peninsula (mula Egypt), West Bank (mula Jordan) at binawi ng Israel mula Jordan ang silangang bahagi ng Jerusalem. Maliban sa Sanai Peninsula na binalik ng Israel sa Egypt noong 1979, ang mga nabanggit ay mas kilala ngayon sa tawag na Israel occupied territories.

Ang Palestinian Liberation Organization (PLO) ay ang umbrella organization ng mga militante na namumuno sa pakikipaglaban sa Israel. Itinatag noong 1946 ng mga bansang pinangungunahan ng Egypt, Iraq, Jordan, Lebanon, Saudi Arabia, at Syria, na pawang mga Muslim, at ang tanging layunin lamang ay mapalaya ang mga Palestino, at siyempre narin, mabura ang Israel sa mapa, sa paraan ng pakikidigma.

Nagtayo ang bansang Israel ng mga bahay sa Occupied Territories saan nagsasaka ang karamihan sa mga Jews na nandoon. Na ikinagalit naman ng mga Palestinong refugee, hindi lang dahil nauubasan ng tubig ang mga magsasakang Palestino dahil sa pamamaraan ng pagsasaka ng mga Jews, kundi, ayon sa mga Palestino, pamamaraan ito ng Israel upang patalsikin na naman sila ulit samantalang nandoon nga sila dahil pinalayas sila sa dati nilang lugar, ang kinalalagyan ng Israel.

Para matigil ang kanilang matagal ng awayan, napagkasunduan ng PLO at ng Israel, sa tulong ng Norway, na itinatag noong 1994 ang Palestinian National Authority (PNA) upang mamahala sa teritoryo ng mga Palestino na kinabibilangan ng bahagi ng West Bank at ng Gaza Strip.

Tatlong Palestino ang tumatag noong 1987 ng samang tinawag nilang Hamas na walang pagkakaiba sa layunin ng iba at nuana ng samahan: burahin ang Israel sa mapa ng mundo. Nakilala ng mundo ang Hamas dahil sa pagsasagawa nila ng mga suicide attacks sa mga sibilyan at sundalo ng Israel; napamahal naman ang mga Palestino sa Hamas dahil sa ekstensibong programang pampubliko na isinasagaw nito sa pagpatayo ng mga ospital, paaralan, aralan, at iba pa. Kaya naman, noong Enero 2006, ginulat ng Hamas ang mundo sa pagkapanalo nito sa Palestinian parliamentary elections.

Makikitang hindi nagtatagumpay ang PNA sapagkat kamakailan lang pinaulanan ng bomba ng Israel ang Palestine. Self-defense ang katwiran ng Israel. Kailangan nilang gawin ito upang matigil na ang pagpapalipad ng rockets ng mga extremist na mga Palestino na pumapatay sa mga sibilyan at sumisiria sa mga ari-arian ng mga taga-Israel. Apang ang karamihan sa mundo ay hindi naniniwala sa Israel. May nagsasabing labis-labis ang karahasang ginamit ng Israel. Puno ang telebesyon, radyo, at diyaryo ng larawan ng mga bata at sibilyang Palestino na kaawa-awang nasusugatan o di kaya'y namamatay sa mga bomba ng Israel. Collateral damage lang daw ang mga ito, sagot ng Israel. Hindi maiwasan dahil sa madla nagtatago ang mga kalaban. Ang mga Palestino ay nagnanais na burahin ang Isarael sa mapa ng mundo, at ang Israel, marahil sa takot rin na magtagumpay sa kanilang layunin ang mga Palestino, paunti-unti narin nilang binubura ang mga ito sa mundo sa pagbobomba at sa pagsasara ng mga borders ng West Bank at Gaza. Libo-libong mga Palestino na ngayon ang nangangailangan ng tubig at pagkain na hindi na matustusan ng World Food Organization, organ na kabilang sa UN, gaya ng dati nang bukas pa ang mga borders.

Hindi pa makikita ang katapusan ng gulo sa Gitnang-Silangan. Ang magkabilang panig ay naghihingian ng mga bagay na ayaw naman pakawalan ng isa. Halimbawa nalang ang silangang bahagi ni Jerusalem. Sa tingin ng mga Palestino, sila dapat ang namamahala doon. Ayaw naman bitiwan ito ng Israel.

Marami ang natatakot. May tanong sa isip kung ito na ba ang simula ng pangatlong pandaigdigang digmaan na hinulaan ng marami.

Ang sagot ay nakasalalay hindi sa United Nations, kundi sa mga bumubuo nito, dahil sila ang pinagmumulan ng kapangyarihan ng organisasyon. Handa ba silang gawin ang lahat para matupad ang hangaring hindi na tayo ulit magpatayan? Mukhang walang balak ang Palestine at Israel na magkasundo.

Nagpasa na ng resolusyon ang United Nations na ipatigil ang pag-atake ng Israel sa Palestine. Hindi bumuto ang America kahit na sinosuportahan nito ang resolution. Ayon kay Secretary of State Condoleezza Rice, mas luyag daw hintayin ng America ang maging resulta ng usapang pangkapayapaan kung saan ang Egypt and pumapagitna sa Israel at Palestine.

Samantala, patuloy parin ang pagbomba ng Israel sa Gaza at pagsakop dito ng mga sundalo. Ang Hamas naman ay patuloy na nagpapalipad ng kanilang mga rockets patungo sa mga bahay ng mga Jews.